Nakaw na Halik (Part 2)

Ang saya ng buong maghapon. Sinasabi ng taong gusto mo ang mga salita na gusto mong marinig na manggaling sa kanya. Totoo ba ito o isang panaginip?

Pero kagaya ng isang panaginip, dadating at dadating ang oras na kakailanganin mo nang gumising at iwanan ang masayang kaganapan. Para akong sinagasaan ng trak habang natutulog sa isang malamig na kalsada. Biglang nawasak at nagkalasog-lasog ang maghapon na kay saya.

Dahil sa mga sumunod na sinabi niya sa akin..

“May aaminin ako sayo, alam mo ngayon? Ang lakas ng ..”

“Ano?” tanong ko.

“Tawag ng laman.” sagot niya.

“Ahh.. Okay lang yun. Normal lang naman sa tao iyon.” sagot ko habang nakangiti.

Pero ang totoo, medyo may halong pagkainis ang naramdaman ko. Biglang bumalik sa akin ang mga alaala ng kailangan ko nang kalimutan. Paulit-ulit kong sinigawan ang gilid ng ulo ko na hindi siya kagaya ng iba. Hindi siya kagaya ng ibang lalaki na “sex lang ang habol” sa mga babae. Dahil iba siya.. Malalim, may pangarap at nag-iisip.

Pero bumasag sa akin ang isa na namang lumabas sa bibig niya.

“Paano pag tayo na, makikipag-sex ka ba sa akin?” tanong niya.

“Alam mong hindi ko kayang gawin yun.” sagot ko, medyo nalulungkot na pero itinatago ito.

“Oo nga eh, pano kung humanap na lang ako ng iba? Pero ka-sex lang. Okay lang sa iyo?” tanong niya.

Hindi ko na alam kung naiintindihan ko pa siya. Pero alam kong ang mga tanong na ibinato niya sa akin ay masakit.

Nakaw na Halik (Part 1)

Pangatlong pagkikita. Sampung araw makalipas ang unang pagbisita niya dito sa bahay, dumalaw ulit siya. Ang tagal kong hinintay ang araw na ito. Palagi man kaming nagkaka-usap sa texts, iba pa rin talaga kapag nakikita mo sa personal yung taong gusto mo. Iba sa pakiramdam. Napaka-sarap.

Parang isang robot na agad-agad pumipihit ang bibig pataas para ipakita ang ngiti pero tago ang kilig na nararamdaman. Hindi ko mapigilan, hindi ko na maisip, basta ang alam ko, masaya ako dahil magkikita na kami ulit ni Nico.

Pagdating niya sa bahay, gaya ng unang gawi, salang ng dvds sa computer para manuod ng kung ano. Hindi ko alam kung ako lang ba, pero sa palagay ko, ang mga dvds at computer na nakasalang sa harap namin ay isa lamang “props”.

Mas nakakaaliw makipag-usap. Mas nakakatuwang panuorin mo yung taong gusto mo habang nagsasalita kaysa sa panuorin yung mga artistang hindi mo naman kilala sa tunay na buhay. Marami kaming napag-usapan.. Pag-aaral, pangarap, buhay, halos lahat. Bumilib ako lalo sa kanya dahil napatunayan kong isa siyang napaka-totoong tao. Lahat sinasabi niya maski mga sikreto. Kaya lahat ng sinabi niya, lahat pinaniwalaan ko. Ibang-iba talaga siya kay Hans at Paul. Malalim, may pangarap, at nag-iisip.

“Uy may sasabihin ako sayo..”

“O ano yun?” sagot ko. Kunwari wala akong pakialam, pero pakiramdam ko ang mga lalabas na salita galing sa bibig niya ay mga bagay na makakapagpakilig sa akin.

“I Like You.”

Hindi ako nakasagot, pero nginitian ko siya. “Sabi ko na nga ba, tama ako eh!” bulong ng utak ko.

“Shit!” Biglang sabi niya habang natatawa.

“Bakit?”

“Eh kasi first time ko lang sabihin yun sa babae sa personal.” sagot niya.

Unti-unting gumuhit yung ngiti sa mukha ko. Kumbaga nakangiti na nga ng malumanay, pinaabot pa niya sa tenga bigla.

Sabi niya sa tamang panahon, liligawan daw niya ako. Pero kung alam niya lang siguro ang sinisigaw ko sa loob-loob ko.. Maski wag na.

Pero dito ako lalong kinilig..

“Alam mo? Magkaibigan lang tayo ngayon.. pero ito..”

Gumuhit siya ng hugis puso sa dibdib niya..

“Sayo.” Sabay bigay sa akin.

Akala ko sa pelikula at palabas ko lang makikita yung mga ganitong eksena. Pakiramdam ko noon habang buhay ko na lang kaiinggitan yung mga ganung tagpo, pero doon ako nagkamali. Dahil ito ngayon, may isang lalaking gumagawa sa akin nito. Walang script, walang linya, tunay na buhay.

Bigla niyang nilapit ang mga labi niya sa labi ko. Alam kong kailangan kong umiwas pero alam kong hindi ko kaya. Hinalikan niya ako. Nakaw na halik, ika nga.

May Pag-asa pang Sumaya

Napatunayan ko nga yung sinasabi ng karamihan na habang tumatagal, mas lalo mong nakikilala ang isang tao.

Naging madalas ang pag-uusap namin ni Nico hanggang sa hindi ko namalayan na nahuhulog na ang loob ko sa kanya. Alam kong masyadong mabilis ang panyayari, pero ito na naman ako.. Handang magpakatanga. Handang magpaka-gaga. Handang tanggapin kung ano man ang ibato ng buhay. Siguro nga, ito na talaga ang “Bagong Simula”.

Isang araw binisita niya ako dito sa bahay. Naisip ko..

Siguro naman hindi siya kagaya ng iba. Siguro naman hindi siya kagaya ni Paul at Hans. Siguro lahat ng sinasabi niya sa akin sa texts, totoo. Imposible naman na mag-aksaya siya dito ng panahon kung niloloko niya lang ako.

Kinalimutan ko muna lahat ng tanong na gumugulo at bumabakod sa isip ko. O siguro hindi ko na kailangan kalimutan, dahil nawala na talaga ang isipan ko sa mga bagay na iyon. Masyado akong masaya na kasama ko siya ngayon.

Habang naka-upo sa sahig, isinalang ko yung dvds sa computer. Habang nanunuod kaming dalawa, tinanong ko siya kung anong gusto niyang kainin.

“Ikaw ang gusto ko.”

Pumalakpak ang mga tenga ko sa narinig ko pero tinawanan ko lang siya.

“Seryoso ako. Ikaw ang gusto ko. Pwede ba kitang maging girlfriend?”

Hindi ko alam kung seryoso siya. O baka naman sinusubukan lang ako. Ayon sa pagkakakilala ko sa kanya, hindi siya yung taong naniniwala sa mabilisan na paraan.

“Girlfriend agad? Wow ha.” yun lang ang naisagot ko habang nangingiti sa gilid.

Pero maski ganoon ang sinabi ko, alam ko kung ano itong nararamdaman ko

Lalo akong nakaramdam ng saya nung hinawakan niya yung kamay ko. Mabilis lang pero madaming beses niyang ginawa iyon. Hiniling ko na lang sa sarili ko na sana hawakan niya na lang ang mga iyon buong magdamag.

Pakiramdam ko naman seryoso siya. Nakikita ko naman sa bawat titig niya sa akin. Hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na titigan siya. Hanggang sa hihilahin niya ako sa bewang papalapit sa kanya..

Ibang klaseng saya ang naramdaman ko. Nabuhay na ulit yung babaeng umaasa na makakahanap ng taong para sa kanya. At ng mga oras na iyon, doon ko naisip na sigurado na ako.. Sigurado na ako. At oo, sigurado na ako na gusto ko na siya. Gustong-gusto.

Saan ka ba natatakot? Sa mga kalalabasan ng gagawin mong desisyon o sa mga resulta ng mga bagay na hindi mo nagawa? Hindi naman lahat ng bagay kailangan mong intindihin, hindi lahat ng bagay kailangan mong pakialaman, pero kaya ka ba natatakot dahil baka mawalan ka ng kontrol sa sarili mo?

Siguro alam mo kasi na kapag nanyari yun, hindi mo na alam kung ano yung ginagawa mo. Kagaya ng paulit-ulit na nanyayari, hindi mo na kilala ang sarili mo. Ang mga mariin na itinanim mo sa ulo mo, dahan-dahan na maglalaho. Pati yung kinakapitan mong paninindigan mo, bibitawan mo. At yung puso mong pinatigas mong parang bato, malulusaw ulit kagaya ng isang sorbetes na ibinilad sa kalagitnaan ng tanghaling tapat. Magiging bulag, bingi at tanga.

Kanina-kanina lang..

Medyo kani-kanina lang pumalo sa isip ko kung ano yung mga posibleng manyari.

Medyo kani-kanina lang ako nakaramdam ng lungkot. Masyado atang nalunod sa kape yung katawan ko kaya medyo matagal bago nakapaglabas ng reaksyon.

Medyo kani-kanina lang nung naramdaman kong may namumuong umbok sa mga lalamunan ko.

Alam ko na kapag pinakawalan ko yun, mababasa ang mga mata ko.

Mapapaisip. Mapapaisip at mapapaisip ng walang katapusan.

Buhay ni Benjielynne Series 1

Ang lahat ng kaganapan sa buhay ng babaeng nabuhay sa salita.

  1. Ang Simula ng Lahat
  2. Malanding Lalaki
  3. Sige Lang
  4. Sino ang Gusto mong Kausap?
  5. Save the Best for Last
  6. Ang Nanyari
  7. Ang Totoong Nanyari part 1 
  8. Ang Totoong Nanyari part 2
  9. Maling Mali
  10. It’s Complicated
  11. Always First
  12. Sampal sa Mukha
  13. Desperada
  14. Magulo
  15. May Konsensya Rin Pala Ako
  16. Mahal Kita, Tang Ina.
  17. Paalam?
  18. Berde ang Kulay ng Cycling Shorts
  19. Kapag May Alak, May Balak
  20. Love, Sex, Tanduay Ice Part 1
  21. Love, Sex, Tanduay Ice Part 2
  22. Love, Sex, Tanduay Ice Part 3
  23. Patay Kang Bata Ka
  24. Mapapasigaw ka ng FUCK
  25. Ang Baho ng Nasirang Itlog
  26. Drugs, Sex, Rock and Roll Part 1
  27. Drugs, Sex, Rock and Roll Part 2

Salamat sa pagbasa kaibigan. Abangan ang mga susunod na kabanata.

Bagong Simula

Bawat bibig may letrang itinatago. Kukuha ng buwelo, bubuuin pero lulunukin ulit. Aatras, Aabante. Hindi matanggal ang kaba sa dibdib pero di rin matanggal ang kagustuhan na sabihin ang nasa loob. Mag-iisip ng panandalian pero babalik sa katahimikan. Hahanap ng paraan para mailabas ang lahat pero hindi pa rin sapat sa pagsabog ng emosyon. Hanggang sa mamamatay kakapigil sa kung ano ang nagkakaroon.

Mahirap talagang magpigil lalo na kapag alam mo kung ano na ang nanyayari sa iyo. Nakamamatay. Sa una, makakaya mo pang itapon sa dagat o ibaon sa ilalim ng lupa ang mga iyon. Pero dadating ang panahon na kailangan mong tanggapin ang pagkatalo. Dadating yung araw na aaminin mo ang lahat na maski sarili mo ay hindi mo na kayang lokohin.

Limutin

Nakita ko na naman siya. Ang babaeng hinahangaan ko. Ang babaeng kinaiinisan ko. Ang babaeng mayroon ang lahat. Siguro inggit. Siguro selos. Alam ko matagal na iyon, pero ganito pa rin ang nararamdaman ko tuwing nakikita ko siya.

Mahina, malungkot, panget, nagpipilit, wirdo, lahat na. Nakakapambaba na parang kailangan kong tumingala tuwing titignan ko siya. Malaking epekto ang nangyayari sa pagkatao ko sa kung anong nararamdaman ko sa presensiya niya. Sino ba siya? Ano ba siya?

Parang kapag tinignan ko siya, ang nakikita ko lang ay yung mga bagay na gusto ko na meron sa kanya. Yung mga nanyayari sa kanya na nais ko ring manyari sa akin. Inggit nga ba ito? Pwede. Selos? Wag naman sana. At hindi rin talaga selos ito dahil nakaraan na iyon na isinuka at pinagsisihan ko. Isang kagagahan..

Pero kahit na ganoon, hindi ako galit sa kanya. Sa katunayan, gusto ko rin siya. AMBIVALENCE. Gusto mo pero ayaw mo rin. Hindi makapag-desisyon kung sa pula ba ako, o sa puti.

Isa sa mga naiisip kong dahilan kung bakit ako nagkakaganito dahil Naghihilom ang sugat, pero merong naiiwang peklat. Posibleng mapatawad at maging okay ang lahat pero imposibleng makalimot.

Sana makalimutan ko na lahat. Sana dumating yung oras na kaya ko ng talikuran ang lahat at hindi matakot na mawala ang mga bagay na wala naman talaga sa akin umpisa pa lang.

Kapag mag-isa na lang ako, minsan naiisip ko hindi pa rin ako nakakaalis sa nakalipas. Kaya pala sabi nila Multo ng nakaraan. Minsan nagpaparamdam, minsan nagpapahiwatig, minsan bigla na lang maalala kung ano yung mga nanyari. Kung pwede lang bumili ng panibagong utak at panibagong memorya, ginawa ko na. Kaso ang mahirap naman sa ganun, balik na naman ako sa kamangmangan. Siguro kahit ganito, mas mabuti na yung may alam kaysa sa wala.

S-Word. Paborito.

Pawis na pawis ako pag pasok ko sa loob ng kwarto. Mainit pero madilim. Nagulat ako nang biglang may napatayo sa pagkakahiga na isang babaeng naka-tapis lang ng tuwalya. Walang hiyaan, ayos lang. Lahat ng nagpupunta dito ganoon ang suot.

“O dito ka umupo. Bago ka lang dito?” tanong niya.

“Ah oo, kaka-start ko lang nung 22.” sabi ko.

Sa wakas magkakaroon ako ng kaibigan. Pwedeng magkaroon ako ng kasabay sa mga gagawin kong ehersisyo. Kung anu-ano na ang napag-usapan namin. Hanggang sa napunta sa usapang lahat ng tao ay interesado.

“Naalala ko dati, naka-uniform lang kami nun, tapos biglang may kotseng huminto sa harap namin. Pinakita niya yung ano niya.” kwento niya.

“O talaga? May ipagmamalaki ba?”

“Hindi nga eh. Ganito lang oh.”

“Nyek! Dapat nilait niyo. Wala palang maipagmamalaki. Kapal ng mukha.”

“Oo nga eh, meron pa akong natatandaan na way kung paano masukat kung gaano kaano.”

I-kwenento niya sa akin, kumuha daw ng papel o kahit tissue na maliit. Tapos itupi-tupi na pabilog parang pagtutupi lang ng eroplano sa isang normal na papel. Pagkatapos nun, ilagay at isukat sa hinlalaki. Punitin ang ekstrang tupi.

At pagkatapos nun..

Malalaman mo na kung gaano kataba.

“Pero wala naman yun sa taba o laki o haba eh, nasa performance yun.” Sabi pa niya.

Tinuruan niya rin ako kung paano masusukat ng mas tama.

Kapag nakipagkamay ka, sukatin mo yung dulo ng hinlalaki hanggang sa dulo ng hintuturo. Yun na yun.

“Ah ganun ba? Hahaha. Sige susubukan ko yan. Try ko pag-gimik. Hahaha.” Pabiro kong sabi.

Nagulat ako ng bigla siyang magsalita ng ganito..

“Mahilig ka gumimik? Ako rin eh, may naka-one night stand nga ako dati eh.”

Kwento. Kwento. Hanggang sa maubos ang pawis. Maubos ang tubig. Maubos ang init.

Aaminin ko, marami akong natutunan sa kanya ng gabing iyon.